Got this from a forum, funny truths. 
- Pag breakfast, laging may maraming hotdog at yung buong loaf ng tinapay nakalabas at nakalagay sa serving plate kahit tatatlo lang silang kumakain. Orange juice pa lagi ang inumin.
- Kapag yung sound effect ng suntukan, parang pakwan na dini-dribble.
- Yung kontrabida yayakap sa bida, sabay taas ng kilay at ngingisi.
- In a Pinoy cowboy movie, when the hero is shootng at the indians, he never runs out of bullets. But once it’s the villain, he suddenly runs out of bullets so they have to have a fist fight!
- Pag may magkaribal na babae, yung mabait diretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.
- Sa pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
- Sa pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
- Sa pinoy action movies, laging may owner jeep na ginagamit ang kalaban pag habulan.
- Pag wala at hinanap kung nasaan ang magulang, anak, kaibigan o sino mang mayamang character, pumunta siyang states.
- Kapag may angry mob na pupunta sa bahaykubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.
- Alam mong moment of truth na ng bida kapag sinabi na niya yung title ng pelikula.
- Sasayaw sa likod ng puno ng buko pag nasa beach yung scene. Alternate pa yung mga ulo nila.
- Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering his face tapos sisigaw yung kapatd ng ‘kuyaaa!’. Next scene nasa ospital na sila. Simula na ng drama.
- Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.
- Kapag may sinabi ng kontrabida ang masama niyang plano sa bida, ang sasabihin ng bida: “hayop ka!”
- Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending.
- Laging sa Fairview pag may car chase scene.
- Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster.
- Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching uhog.
- In a love triangle, the less popular actor of the 2 vying for the leading lady, will either die, go to prison, go abroad, or gives in na lang.
- Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”
- Sa comedy movie pag may patay, laging may bulak sa ilong.
- Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya.
- Ang tawag ng kontrabida sa mga goons niya, “Mga bata.”
- Pag ang ending ng movie ay song and dance number sa beach o resort, ang huling frame, tatalon ang buong cast…sabay freeze.
- Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
- Sa pinoy movie, after the rape scene, makikita mong naka-panty pa rin ang biktima.
- Pag comedy: Laging may side kick, kantahan at sayawan sa beach. At ang side kick ang laging kawawa at kinakawawa ng bidang comedyante miski gaano sila kahirap, afford nila ang beach
- Ang hideout ng kontrabida, parating mansion na may chicks sa pool.
- Pag horror movie, yung mga halimaw parang gawa sa gulaman.
- Pag car chase scene, laging may mababangga na patong-patong na kahon, o kaya kariton, o kaya fruitstand.
- Marunong gumamit ng baril at asintado ang leading lady, kahit unang beses palang siya nakakahawak nito sa buong buhay niya!
- Pag Seiko Films during the late 80’s/early 90’s, laging may kanta ng Michael Learns To Rock.
- Ang pancit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pancit sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay si Anita Linda, at sisigaw ang bida ng “Inaaay!” at mangangakong ipaghihiganti ito. Moral lesson: Ang pancit, nakakamatay.
- Ang bida kahit anong bugbog mo konting dugo sa may labi lang ang meron pero ang kontrabida basag ang mukha
- Kapag sa mga action films, palaging tapos na ang barilan, napatay na lahat ng kalaban saka palang darating ang mga pulis.
- Pag hinahabol ng kalaban/killer/aswang, etc. (lalo na pag may bata o babae), laging may madadapa
- Ang bida/kontrabida kapag nasa sala o walang magawa sa bahay, magbabasa o titingnan ng mabilis ang magazine
- Sa drama o romantic movie, ang title ng movie, title rin ng theme song nito… o di kaya baligtad.